Wednesday, January 8, 2014

News5 Special Coverage: #NAZARENOPH



Magandang araw mga Kapatid!

Pista na muli ng Nazareno bukas! Makikibahagi ka ba sa prusisyon ngayong taon? Last year, sobrang haba ng naging parada--22 hours! At ngayon daw, pihadong mas mahaba pa raw ito dahil sa bagong ruta.

Para balitaan kayo sa taunang pagdiriwang ng Pista ng Nazareno, nood na bukas sa TV5 mula umaga hanggang gabi para updated ka lagi.

[ #NAZARENOPH Video playlist: http://bit.ly/1gD0FiE ]  

Matrapik ba bukas? Ano ang ibang alternatibong ruta papuntang Maynila?
Alamin 'yan sa ganap na 5:30 ng umaga kasama sina Erwin Tulfo, Martin Andanar sa Good Morning Sir! Makikipagbalitaan bukas si Cheryl Cosim ng Good Morning Girls para sa pinakahuling pangyayari sa Quiapo at iba pang lugar na makikibahagi sa pista.

[WATCH 5:30 AM (JAN 9, 2014) LIVESTREAM: http://bit.ly/1bHQ4mN ] 



Pagsapit naman ng 11 ng umaga, tutok na sa Andar ng Mga Balita kasama pa rin si Martin at si Atty Theresa Licaros para naman sa tuloy-tuloy na balitaan sa pista.  

WATCH 11 AM (JAN 9, 2014) LIVESTREAM: http://bit.ly/Ird0u0 ]



Pagsapit ng gabi, alamin kung pabalik na ba ang imahe ng poong Nazareno sa Quiapo Church (at syempre, kung matrapik pa rin!) sa ulat nina Erwin at Cheryl sa Aksyon, sa ganap na 6 pm

[WATCH 6:00 PM (JAN 9, 2014) LIVESTREAM: http://bit.ly/1bHQ4mN ] 
 


At para naman sa mga pahabol na balita kinagabihan, antabayanan 'yan sa PNews kasama sina Paolo Bediones at Cherie Mercado.

[WATCH 6:00 PM (JAN 9, 2014) LIVESTREAM: http://bit.ly/1bHQ4mN ] 



Nawa'y maging mapayapa ang pagsalubong natin sa Pista ng Nazareno. Huwag kalimutang makibahagi sa pagdiriwang na ito sa pagbisita sa News5 Everywhere sa www.News5.com.ph. Gamitin rin ang #NAZARENOPH para updated lagi sa Twitter!

Maraming salamat mga Kapatid!

-- Seph Ubalde, Content Manager, News5Everywhere



Please do not reply as this is a system-generated email.

DISCLAIMER: The information contained in this communication is intended solely for the use of the individual or entity to whom it is addressed and others authorized to receive it. It may contain confidential or legally privileged information. If you are not the intended recipient, you are hereby notified that any disclosure, copying, distribution or any action taken based on the contents of this information is strictly prohibited and may be unlawful. If you have received this communication in error, please notify TV5 immediately by responding to this email and then delete it from your system. TV5 shall not be liable for the improper and incomplete transmission of the information contained in this communication nor for any delay of its receipt. This communication may contain views and opinions which do not constitute a formal disclosure or comment unless specifically stated by TV5 in writing.

Wednesday, January 08, 2014